25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

Iba’t ibang programa para sa mga former rebels, tinutukan ng bagong pinuno ng 95IB

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagtutok ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion sa implementasyon ng mga programa para sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Isinasagawa ang iba’t ibang livelihood trainings sa mga FRs bago ang kanilang pagbabalik sa komunidad sa tulong ng pamahalaan at kasundaluhan.

Kaugnay nito, kasalukuyan na ang koordinasyon ng 95IB sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa naturang programa.

Patuloy din ang kanilang Retooled Community Support Program (RCSP) na ipinapatupad sa mga lugar na dating apektado ng insurhensiya katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DILG, DSWD, DOLE, DPWH, PNP at iba pang concerned agencies.

Ayon kay LTC Ericson Bulosan, Commanding Officer ng 95IB, kanyang ibinahagi na isa sa kanilang inaasikaso ang halfway house sa City of Ilagan, Isabela para sa mga Former Rebels (FRs) kung saan dito muna sila mananatili pansamantala habang pinoproseso ang kanilang mga dokumento para sa kanilang matatanggap na benepisyo at iba pang tulong mula sa gobyerno.

Samantala, hinihikayat pa rin ng kasundaluhan ang mga natitira pang kasapi ng NPA na magbalik-loob na sa gobyerno at yakapin ang tunay na kapayapaan kasama ang mga mahal sa buhay.

Source: 95th Infantry Salaknib Batallion

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles