Nakatanggap ng tulong pinansyal ang higit sa 300 tindera na nasunugan ng pwesto sa Pamilihang bayan ng Basista, Pangasinan nito lamang Sabado, Hulyo, 5, 2025.
Bawat tindera ay nakatanggap ng tig-limang libong piso (P5,000) mula sa Gobernador ng Lalawigan ng Pangasinan na si Gov. Ramon V Guico III.
Maglalaan din ang Pamahalaang Panlalawigan ng sampung milyong pisong pondo upang mapabilis ang muling pagpapatayo sa nasunog na palengke.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga tindera sapagkat malaking tulong ito para muling makapag-umpisa sa maliit na negosyo.
Source: Province of Pangasinan




