17 C
Baguio City
Thursday, May 2, 2024
spot_img

Self-loader truck nawalan ng preno, 1 patay, 1 sugatan sa Benguet

Isa patay at isa ang sugatan sa naganap na aksidente sa may pakurbadang bahagi ng Marcos Highway, Sitio Caucalan, Taloy Sur, Tuba, Bemguet nito lamang ika-31 ng Oktubre 2023.

Batay sa ulat ng Tuba Municipal Police Station, habang pababa sa daan ang isang self-loader truck na kargado ng forklift truck ay bigla itong nagkaroon ng mechanical defect (brake failure) na nagresulta sa pagpunta ng truck sa kabilang linya at bumangga sa concrete barrier na nagtuloy-tuloy ang pagbangga sa poste ng Globe Telecommunication at kahoy.

Agad naman rumesponde ang Tuba PNP at MDRRMC para tulungan at lapatan ng paunang lunas ang mga biktma.

Ang drayber ay nagkaroon ng sugat sa parte ng kanyang katawan habang ang pahinante ay tumilapon sa labas ng truck dahilan upang magkaroon ng sugat sa ulo at  idineklarang dead-on-the-spot ni Doctor Lorie Grace Austria.

Paalala ng Tuba PNP na laging doble ingat sa pagmamaneho at huwag kalimutang i-check ang BLOWBAGETS ng ating sasakyan o ang Battery, Lights, Oil, Water, Brake, Air, Gas, Engine, Tire and Self.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles