Nagbalik-loob sa pamahalaan ang apat na miyembro ng Damayan sa Kanayunan Laban sa Kahirapan (DAMAKKA) at binawi ang suporta mula sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon–Nueva Ecija Chapter (AMGL-NE) noong Agosto 17, 2026, sa Barangay Carmen, Zaragoza, Nueva Ecija.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob ay dahil sa pagsisikap ng mga kapulisan na dahilan upang ang apat na indibidwal na binubuo ng dalawang lalaki at dalawang babae, kabilang ang mga magsasaka at isang housewife na pawang mga residente ng Nueva Ecija ay nagdesisyon na yakapin ang kapayaan sa tulong ng kapulisan at pamahalaan.
Nabatid na unang na-recruit ang mga nagbalik-loob noong 2017 at nakatanggap ng agarang mga food packs ang mga ito mula sa kapulisan.
Ang kanilang boluntaryong pagbalik-loob ay nagpapakita ng kanilang desisyon na tuluyan nang kumalas sa naturang organisasyon at piniling mamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang pamilya.




