23.8 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

LGU Marcos, nanguna sa Tree Planting Activity bilang paggunita sa ika-15 Anibersaryo ng Samahang Ilokano-Kabagis Ilocos Norte Council

Sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) ng Marcos, matagumpay na isinagawa ngayong Hulyo 7, 2025 ang isang Tree Planting Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-15 Anibersaryo ng Samahang Ilokano-Kabagis Ilocos Norte Council.

Ang makabuluhang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Samahang Ilokano-Kabagis Ilocos Norte Council, mga opisyal at miyembro ng organisasyon, at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng bayan ng Marcos. Ang pagtatanim ng puno ay bahagi ng tradisyon ng organisasyon tuwing anibersaryo bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at suporta sa laban kontra climate change.

Sa kabila ng pabagu-bagong panahon, hindi naging hadlang ito upang maisakatuparan ang layunin ng aktibidad. Buong pusong tinanggap ng mga lumahok ang hamon ng panahon upang mag-iwan ng positibong ambag sa kapaligiran.

Ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang simpleng aktibidad kundi isang makapangyarihang simbolo ng pagkakaisa at pag-asa para sa mas “Bagong Pilipinas”, isang bansang may malasakit sa kalikasan at may pagkilos tungo sa pangmatagalang solusyon sa mga hamong dala ng climate change.

Ayon sa LGU Marcos, ang ganitong mga gawain ay hindi lamang nakatutulong sa pagbabalik ng sigla sa ating kalikasan kundi nagbibigay rin ng inspirasyon sa mamamayan, lalo na sa kabataan, na maging aktibo sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang matagumpay na tree planting activity ay patunay na sa pagkakaisa ng pamahalaan at mga organisadong grupo, posible ang pagbabago. Sa mga ganitong hakbang, unti-unting naisasakatuparan ang pangarap na isang mas berde, mas malinis, at mas matatag na Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles