Timbog ang isang driver sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa kasong Rape by Sexual Assault at Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act No. 7610 sa Karlaville Subdivision, Brgy. Prenza 2, Marilao, Bulacan noong Setyembre 23, 2026.
Kinilala ang suspek na isang 46 anyos, residente ng nasabing lugar na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na aabot sa P400,000.00 at kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 na may inirekomendang piyansa na aabot sa P800,000.00.
“Patuloy nating paiigtingin ang manhunt operations laban sa mga wanted person, lalo na sa mga akusadong nahaharap sa mabibigat na kaso. Titiyakin natin na ang bawat warrant of arrest ay maipatutupad nang naaayon sa batas at tamang proseso, habang pinangangalagaan ang karapatan ng lahat ng sangkot sa bawat operasyon,” saad ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director, Bulacan Police Provincial Office.




