Nakiisa ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources-Tanudan sa isinagawang Tree Planting Activity na may temang “Buhayin ang pangangalaga ng Kalikasan” sa Sitio Banagao, Barangay Poblacion, Tanudan, Kalinga nito lamang Setyembre 13, 2022.
Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Tanudan PNP, Tanudan Local Government Unit, MHO Staff at Barangay Officials.
Nakapagtanim ng one hundred seventy (170) seedlings ng assorted wood at fruit bearing trees.
Ang aktibidad ay naglalayong alagaan ang ating inang kalikasan para sa susunod na henerasyon.