17.2 C
Baguio City
Sunday, May 19, 2024
spot_img

CTG member arestado sa Apayao

Arestado ang isang miyembro ng Counter Terrorist Group (CTG) sa kasong murder ng mga otoridad sa Brgy. Tanglagan, Calanasan, Apayao nito lamang Setyembre 11, 2022.

Kinilala ang naaresto na isang 49 anyos, residente ng Western Uma, Lubuagan, Kalinga at Miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG).

Ayon sa police report, ang nasabing miyembro ay hinihinalang sangkot sa ambush noong April 6, 2009 sa Sitio Ag-agama, Western Uma, Lubuagan, Kalinga na dahilan ng pagkamatay nina Cpl Pantua at PFC Fernando Coloma, mga miyembro ng 21st Infantry Battalion, Philippine Army.

Naaresto ang suspek sa inisyung Warrant of Arrest sa kasong Murder na inisyu ni Presiding Judge Jerson Eckman Angog RTC, 2 nd Judicial Region, Tabuk City, Kalinga na walang inirekomendang piyansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles