25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

Php178K halaga ng DOLE kabuhayan package, iginawad sa PUV drivers at operators sa Mangaldan, Pangasinan

Anim na Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators mula sa Mangaldan, Pangasinan ang nakatanggap ng kabuhayan package mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong Hulyo 7, 2025.

Ang ayuda, na may kabuuang halagang Php178,486, ay bahagi ng enTSUPERneur Program ng DOLE na layong tulungan ang mga PUV drivers na apektado ng Jeepney Modernization Program.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng package na nagkakahalaga ng higit PHP 29,000. Dalawang benepisyaryo, sina Rodolfo Villanueva at Eduardo Rosales, ay kabilang sa Frozen Foods Vending Project kung saan sila ay tumanggap ng bagong chest freezer at iba’t ibang frozen products tulad ng hotdog, longganisa, tocino, at embutido.

Samantala, sina Tito Quidilig, Rolando Cendaña, Letecia Cabrera, at Norman Mamayson ay napabilang sa Consumer Products Retailing Project. Tumanggap sila ng mga sako-sakong bigas, asukal, kahon ng kape, mantika, trays ng itlog, bagong timbangan, calculator, at mga plastic bags para sa kanilang paninda.

Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng DOLE – Central Pangasinan Field Office 1 (CPFO 1) at LTFRB – Regional Franchising and Regulatory Office 1 (RFRO 1), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamamagitan ng PESO sa pangunguna ni Helen Aquino. Ipinarating naman ni Atty. Teodora Cerdan ang mensahe ni Mayor Bona Fe Vera Parayno ang pasasalamat sa DOLE at pag-asa na mapalago ng mga benepisyaryo ang kanilang bagong negosyo.

Ayon kay Rhodora Dingle ng DOLE CPFO 1, susubaybayan ang progreso ng mga negosyo. Pinasalamatan naman ni Engr. Jack Apigo ng LTFRB ang dedikasyon ng mga tsuper na patuloy na nagseserbisyo sa kalsada.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles