25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

San Juan, La Union bilang “Surfing Capital of the North”, isinusulong ni Cong. Paower sa Kamara

Kasalukuyang isinusulong ni La Union First District Representative Francisco Paolo “Paower” P. Ortega V ang House Bill 1214 na naglalayong opisyal na ideklara ang Bayan ng San Juan, sa Lalawigan ng La Union bilang “Surfing Capital of the North.”

Ang panukalang batas ay naglalayong kilalanin ang mahalagang papel ng San Juan sa industriya ng turismo ng probinsya ng La Union, na nakapagtala ng mahigit dalawang Bilyong (Php2,000,000,000.00) kita noong nakaraang taon. Kalakip din sa panukala ang paglalaan ng pondo para sa pagpapalago at promosyon ng surfing at mga kaugnay na aktibidad sa turismo.

Bukod sa pagiging kilalang Surfing Destination, patok rin ang San Juan bilang Quick Getaway at Work-from-Anywhere Spot dahil sa maaliwalas na kapaligiran, maaasahang Internet Connectivity, at mga abot-kayang matutuluyan na parang nasa bahay lang. Kilala rin ang bayan bilang pinagmulan ng popular na salitang “Elyu,” na tumutukoy sa La Union sa makabagong paraan.

Sa tulong ng House Bill 1214, ang munting bayang ito na tinatangkilik ng mga Surfers at Nature Lovers ay may pagkakataon nang maisulat sa kasaysayan bilang pambansang Surfing Destination ng hilaga — na may dalang progreso hindi lamang sa San Juan kundi sa buong La Union.

Kung maipapasa ang batas na ito, opisyal nang kikilalanin ang San Juan bilang pangunahing Surfing Destination sa hilagang bahagi ng bansa — isang hakbang na malugod na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union dahil sa malaking potensyal nitong magdulot ng positibong pagbabago sa lalawigan.

Source: Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles