23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Tree planting activity, isinagawa sa Batanes bilang pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng COMELEC

Matagumpay na isinagawa ang tree planting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Basco, Batanes nito lamang ika-28 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ng COMELEC Batanes, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang nasabing aktibidad.
Aktibong lumahok ang mahigit 155 na volunteers mula sa DILG, PNP, Army Reservists, BFP, Batanes State College, Batanes National Science High School, barangay officials ng Kaychanarianan, Kayhuvukan at Chanarian, gayundin ang SK Federation ng Basco at Ivatan Riders Club.

Umabot sa 300 na punong Palo Maria at Arius seedlings mula sa DENR ang matagumpay na naitanim sa Chanarian–Tukon Road.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang pakikiisa ng iba’t ibang sektor sa pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng COMELEC, habang isinusulong ang adbokasiya ng pangangalaga sa kalikasan at pagtutulungan ng komunidad.

Patuloy ang COMELEC at iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga makabuluhang inisyatiba para sa pangangalaga ng kalikasan, bilang bahagi ng kanilang malasakit at serbisyo para sa sambayanan.

Source: Batanes PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles