Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles ang Programang Malasakit para sa Kalikasan sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., upang maibalik ang kalinisan at kaligtasan ng Ilog Abacan at mga road dikes nito lamang Linggo, ika-31 ng Agosto 2025.
Kasama sa proyekto ang aktibong suporta ng iba’t ibang sektor gaya ng barangay officials, kabataan, at mga volunteers mula sa non-government organizations na boluntaryong tumulong sa paglilinis at pagbabantay sa kalinisan ng ilog.
Layunin ng proyekto na hindi lamang linisin ang paligid ng ilog kundi masiguro ring ligtas at maaliwalas ang mga estruktura para sa publiko.
Bahagi rin nito ang pagsugpo sa mga sanhi ng pagbaha at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura.
Binigyang-diin ni Mayor Lazatin, na ang pagkakaisa ng bawat Angeleño ang susi sa tagumpay ng programa, kaya’t nananawagan ang lokal na pamahalaan sa lahat na makiisa at suportahan ang mga hakbangin para sa kalikasan bilang pamana sa susunod na henerasyon.




