Isinagawa ang isang makulay at malikhaing Fruit Tree Cart parade bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-5 Saleng Festival sa Session Road, Baguio City nito lamang Hunyo 29, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Kagalang-galang na Alkalde na si Benjamin Magalong, Bise Alkalde Faustino Olowan, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Baguio.
Ang parada ay nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging ang mga pribadong indibidwal kung saan itinampok ang mga iba’t ibang uri ng fruit bearing trees at malikhaing pagpapahayag sa pagdisenyo ng mga cart gamit ang mga recycled na materyales.
Nasungkit naman ng tree cart ng Tiongsan Harrison ang unang premyo na nagkakahalaga ng Php50, 000.00, habang ang ikalawang pwesto ay nakuha ni Binibining Arlene Apelado na may premyong Php40, 000.00 at ang pangatlong pwesto ay napanalunan ni G. Noel Buhong na may premyong Php30, 000.00.
Lahat ay nakatanggap ng plaque.
Ang pagdiriwang ay nagtataguyod rin ng mga eco-waste fair na mga upcycled na produkto, handicrafts, chalk art, impormasyon, edukasyon at kampanya ng adbokasiya, eco-friendly na teknolohiya, koleksyon ng e-waste at mga busker.
Ang parada ay nagtataguyod at itaas ang kamalayan ng bawat mamamayan sa kahalagahan ng mga fruit bearing trees sa ekosistema, tamang disposal ng solid waste management, at kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.






