22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Top 2 Municipal Most Wanted Person, arestado sa Ilocos Sur

Arestado ng kapulisan ang isang Grade 11 student na kabilang sa listahan ng Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa Brgy. Mambog, Candon City, Ilocos Sur, bandang alas-7:45 ng gabi nitong Setyembre 16, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas “Marko”, 18 anyos, binata, at residente ng naturang barangay. Siya ay inaresto ng tracker team na pinamunuan ni PMaj Paul Vinsent O. Tadeo, OIC, katuwang ang mga tauhan ng PIT-Ilocos Sur at RIU1.

Ang pag-aresto ay bunsod ng warrant na inilabas ni Hon. Emmylou Valois Rubang Mangasar, Presiding Judge ng RTC Branch 8, Candon City, para sa kasong Statutory Rape (Criminal Case No. 5752-C, walang piyansa) at Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng RPC kaugnay ng Section 5 (B) ng R.A. 7610 (Criminal Case No. 5753-C, may piyansang Php200,000).

Sa pamamagitan ng maigting na operasyon ng pulisya laban sa mga most wanted persons, muling pinagtitibay ang pangakong panatilihing ligtas ang bawat pamayanan tungo sa pagkakaisa at kaayusan para sa Bagong Pilipinas.

Source: Sta Cruz MPS

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles