18.3 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Posibilidad ng pagtatayo ng makabagong Sanitary Landfill sa Bayambang, Pangasinan, tinalakay sa pulong

Upang mapabuti pa ang sistema ng pamamahala sa basura at mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng komunidad, pinangunahan ni Dr. Cezar T. Quiambao, Special Assistant to the Office of the Mayor (SATOM), ang isang exploratory meeting kasama ang mga kinatawan ng Jeico Development Corp., isang kompanyang mula sa South Korea, noong Setyembre 16, 2025 na ginanap sa Mayor’s Conference Room.

Sa nasabing pulong, tinalakay nina Mr. Jin Young Kim (Chairman), Mr. Jin Hoi Park (CEO), Mrs. Tean Guillermo (Executive Manager), at Karl Guillermo mula sa Jeico Development Corp ang mga proseso at teknikal na aspeto ng pagtatayo ng isang modernong sanitary landfill, pati na rin ang mga konsiderasyon sa pagpili ng lugar.

Layunin ng proyekto na makapagpatupad ng mas episyente at makabagong pamamahala sa basura upang mapangalagaan ang kapaligiran at kalusugan ng mamamayan.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad at mga hepe mula sa ESWMO, Engineering Office, MPDO, MTICAO, at IAS.

Sa kasalukuyan, milyon-milyong piso ang ginagastos ng lokal na pamahalaan bawat taon para lamang sa tamang pagtatapon ng basura. Sa pagkakaroon ng sariling landfill, inaasahang makakatipid ang bayan at posibleng kumita pa kung magagamit din ito ng mga karatig-bayan.

Source: Municipal Government of Bayambang, Pangasinan
Panulat ni: Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles