Nakibahagi ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2), sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa pagbubukas ng Alunsina: Kabuhayan Convention and Bazaar noong ika-16 ng Setyembre 2025.
Ang aktibidad ay nagsisilbing daan para sa mga kalahok ng SLP sa buong bansa upang ipakita, ibenta, at ipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak at multi-faceted na merkado.

Higit sa 46 na locally sourced-out na produkto ng mga kalahok ng SLP mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ang na-highlight mula sa mga handcrafted items, dried fish, homemade sweets, herbal teas, kape at meryenda.
Ang bazaar ay tatakbo hanggang ika-18 ng Setyembre, 2025 sa Iloilo Capitol grounds.
Bilang bahagi ng kaganapan, ang paglalagay ng DSWD FO2 ng isang booth ay nagpapatingkad sa disenyo ng mga likas na materyales na sumasalamin sa pamana ng kultura ng rehiyon at ang pagkakayari ng mga tao nito ng Cagayan Valley Region.
Source: DSWD R2




