18.3 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Sprayer at Foliar Fertilizers, pinamahagi sa mga magsasaka sa Narvacan, Ilocos Sur

Pinangunahan ni Mayor Pablito V. Sanidad ang pamamahagi ng mga Sprayer at Foliar Fertilizers sa mga magsasaka ng Bawang sa bayan ng Narvacan noong Hunyo 19, 2025.

Ayon kay Mayor Sanidad, ang distribusyon ng mga kagamitang ito ay bahagi ng tulong na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka bilang suporta sa kanilang mga gawain.

Layunin nitong mapabuti ang ani ng mga magsasaka at masustentuhan ang programang pang-produksyon ng pagkain sa komunidad.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Sanidad sa patuloy nilang pagtangkilik at pakikiisa ng mga magsasaka sa mga programa ng lokal na pamahalaan, lalo na sa usapin ng Food Security.

Kasama sa aktibidad sina Vice Mayor-elect Engr. Ritong Tejada, Municipal Administrator Atty. Pablo Sanidad II, at Municipal Agriculture Officer Garry Cardona, na kapwa nagpahayag ng suporta sa mga proyektong tumutulong sa mga sektor ng agrikultura at edukasyon sa bayan.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng LGU – Narvacan na palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain at suportahan ang mga pangunahing sektor sa komunidad.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles