Ibinida sa isang makulay at makasaysayang selebrasyon ng kultura at pagkakaisa sa pamamagitan ng Float Parade bilang bahagi ng pagdiriwang sa “Gotad ad Ifugao 2025” sa Bayan ng Lagawe, Ifugao nito lamang ika-17 ng Hunyo 2025.
Bawat munisipalidad ay may nagpakada ng kanilang “Float” na nagbigay-pugay sa kani-kanilang kasaysayan, tradisyon, at mga simbolo ng kabuhayan sa pamamagitan ng mga detalyado at kahanga-hangang likha nan gawa sa lokal na materyales tulad ng kawayan, rattan, palay, tela, at mga produktong galing sa kalikasan.
Makikita sa mga float ang mga kilalang simbolo ng kultura ng Ifugao tulad ng rice terraces, hudhud chants, bahag, native huts (bale), at mga sayaw at musika na nagpapakita ng mayamang pamana ng mga ninuno.
Bawat presentasyon ay may kasamang mga mananayaw at musikero na naka-etnikong kasuotan, na lalong nagbigay-buhay at kulay sa parada.
Ayon kay Gov. Jerry Dalipog, “Ang taunang Gotad ad Ifugao ay hindi lamang selebrasyon, kundi isang pagpapaalala ng ating pagkakakilanlan bilang mga Ifugao. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mahalaga na hindi natin malimutan ang ating ugat.”



Sinabi rin ng Provincial Tourism Office na ang parada ngayong taon ay pinakamataas na bilang ng mga dumalo at kalahok sa kasaysayan ng Gotad ad Ifugao, at inaasahang magdadala ito ng positibong epekto sa turismo ng probinsya.
Ang Float Parade ay isa lamang sa maraming aktibidad ng Gotad ad Ifugao Festival 2025, kabilang ang cultural performances, indigenous games, exhibits, trade fairs, at youth competitions.
Sa kabila ng modernong panahon, patuloy ang pagkilala at pagbuhay ng mga mamamayan ng Ifugao sa kanilang katutubong kultura.






