16.1 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Serbisyong pangkalusugan, patuloy na pinaiigting ni Governor Guico

Patuloy na pinaiigting ni Governor Ramon Guico III ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Brgy. Esmeralda at Brgy. San Andres sa Balungao, Pangasinan nito lamang ika-15 Hulyo, 2025.

Daan-daang residente ang nabigyan ng libreng medikal na atensyon kabilang na ang pagsusuri, konsultasyon,at libreng gamot. Kasama sa dental services ang oral examinations at extractions. Mayroon ding libreng laboratory services tulad ng ECG, X-ray, sugar and cholesterol test, at urinalysis.

Nagpamahagi ng health packs na naglalaman ng mga gamot at bitamina. May ipinamigay ding food packs na binubuo ng bigas, asin mula sa Pangasinan Salt Center, mga de-lata, at itlog.

Kabilang naman sa health and wellness services ang libreng gupit, masahe, at zumba dance.

Hatid naman ng GuiCosina on Wheels ang masustansiyang pagkain.

Target ng ipagpatuloy ang Community Outreach Program na maabot ang 3.1 milyong residente ng Pangasinan sa 1,364 na mga barangay.

Hinihimok din ang bawat residente na makiisa sa Pangasinan Green Canopy project kung kaya sila ay nakatanggap ng vegetable seeds, fruit, at vegetable seedlings.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles