24.9 C
Baguio City
Monday, June 29, 2026
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, pinangunahan ang pagbibigay halaga sa mga Senior Citizens

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, Ilocos Sur ang isang makabuluhang aktibidad bilang pagkilala at pagbibigay halaga sa mga Senior Citizens, lalo na sa mga nasa edad 80 pataas. Kilala ang bayan ng Narvacan bilang isa sa mga may pinakamaraming Senior Citizens sa lalawigan, kung saan ilan ay umaabot pa sa 100 taong gulang at lampas pa. Sa kasalukuyan, mayroong walong centenarians sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Mayor Edna Cabalo Sanidad, simula pa noong siya ay miyembro ng Sangguniang Bayan at namumuno sa Komite ng Kalusugan, kanyang isinulong ang mga ordinansang layong kilalanin at suportahan ang mga nakatatanda. Isa sa mga pinagtutuunan ng kanyang administrasyon bilang alkalde ay ang mas pinalawak at pinatatag na tulong para sa mga senior citizens, lalo na yaong higit na nangangailangan.

Noong Hulyo 12, 2025, 16 senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ng Narvacan ang tumanggap ng Cash Gift alinsunod sa Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarians Act. Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Office of the Mayor, samantalang ang P100,000 na insentibo ay personal na inihatid kay Centenarian Celedonia Cambe, 102 years old, mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Ang aktibidad ay pagpapakita ng pagsunod ng LGU-Narvacan sa umiiral na batas at pagtalima sa kanilang tungkulin na alagaan ang kapakanan ng mga matatanda. Ang pagkilala sa mga Centenarians ay nagbibigay inspirasyon sa mas nakababatang henerasyon na pahalagahan ang kalusugan at magsilbing mabuting mamamayan.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles