18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Serbisyo ni “TATAY EGAY HOT MEALS ON WHEELS” tuloy tuloy sa Cagayan

Tuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng “Tatay Egay Hot Meals on Wheels” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga apektadong lugar noong ika-12 ng Nobyembre 2025.

Kasabay ng pamamahagi ng mainit at masustansiyang pagkain, personal na umiikot ang Ama ng Lalawigan, si Governor Edgar “Tatay Egay” Aglipay, kasama ang PSWDO na pinamumunuan ni Mac Paul Alariao, OIC-Provincial Social Welfare and Development Officer. Binibisita nila ang iba’t ibang evacuation centers kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga Cagayanong inilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagbaha.

Sa pamamagitan ng mobile kitchen, mismong mga staff ng PSWDO ang naghahanda at nagluluto ng mainit na sopas at lugaw para sa mga evacuees.

Unang tinungo nina Governor Aglipay at mga tauhan ng PSWDO ang Annafunan Integrated School at Barangay Gosi sa Tuguegarao City noong Nobyembre 11, 2025, na nagsilbing mga evacuation centers ng lungsod.

Bumisita naman ang Gobernador sa bayan ng Alcala, kung saan may 281 evacuees na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center. Dito ay ipinagpatuloy ng Hot Meals on Wheels ang pamamahagi ng mainit na lugaw, katuwang si Mayor Tin Antonio ng Alcala.

Ang “Tatay Egay Hot Meals on Wheels” ay bahagi ng disaster relief operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. Layunin nitong maihatid ang bagong luto, mainit, at masustansiyang pagkain sa mga pamilya at mamamayang apektado ng mga kalamidad gaya ng bagyo.

Nakatakda ring ipagpatuloy ng programa ang pag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang makapaghatid ng tulong at malasakit sa mas marami pang Cagayano na naapektuhan ng pagbaha bunsod ng Super Typhoon Uwan.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles