18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Diwa ng “Og-ogfo” sa Bayyo, Bontoc

Hindi nakaligtas sa mga lugar na binayo ng Super Typhoon Uwan sa Cordillera ang lalawigan ng Mountain Province. Maraming mga kalsada ang hindi madaanan, putol ang mga linya ng kuryente, at pahirapan ang komunikasyon, na naging sahi ng pagiging isolated ng ilang mga komunidad sa lalawigan.

Isa ang Barangay Bayyo, Bontoc sa mga nakaranas ng hagupit ng bagyo, na kung saan dalawang araw matapos ang sakuna bago makarating ang updates sa mga awtoridad tungkol sa kanilang sitwasyon dahil sa kawalan ng komunikasyon. Gayunpaman, makikita sa inisyatiba ng mga residente kung gaano sila kapositibo sa pagbangon sa kabila ng malawakang pagkasira ng mga istraktura at mga kabuhayan nila dala ng bagyo.

Tulong-tulong ang mga residente, bata man o matanda, simula noong ika-11 ng Nobyembre 2025 na sikaping alisin ang mga nakaharang na gumuhong lupa sa mga kalsada at iba pang mga sagabal upang mapanumbalik sa normal na sitwasyon ang kanilang pamumuhay. Ang pagsisikap na ito ay sumasalamin sa diwa ng “Og-ogfo” o bayanihan sa lugar.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga residente sa lugar sa ganitong panahon ng kalamidad ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang komunidad. Ito rin ay magsisilbing kwento ng pag-asa at katatagan para sa mga susunod na henerasyon na kahit gaano kahirap ang sitwasyon ay mananatili pa ring buhay ang diwa ng bayanihan at pagdadamayan.

Source: Bontoc MDRRMO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles