18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Educational assistance sa mga Agkaykaysa Scholar, sinimulan ng ipinamahagi ng PGC

Sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pamamahagi ng educational assistance sa mga Agkaykaysa Scholar sa Cagayan State University – Andrews Campus at Cagayan State University – Piat, Cagayan noong ika-13 ng Nobyembre 2025.

Kabilang sa mga tumanggap ang mga iskolar mula sa bayan ng Alcala na mayroong 380 recipients, Baggao na mayroong 723, Enrile (337), Iguig (348), Peñablanca (360), Tuguegarao (740), Amulung (707), Solana (576), Tuao (503), Piat (270), Rizal 435, at Sto. Niño (460).

Tumanggap ang bawa’t isa ng tig-Php3,500 bilang suporta para sa 1st semester ng School Year 2025-2026.

Sa naging mensahe ni Gob. Aglipay, kanyang binigyang-diin na ang pagtitipon ay hindi lamang para sa pagtanggap ng kanilang educational assistance kun’di simbolo rin ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng lalawigan.

Kaugnay rito, ang pondo na ipinamahagi ay mula sa No Barangay Left Behind (NBLB) program ng PGC na inilunsad noong 2016 sa pamumuno ni noo’y Gobernador Manuel Mamba na ngayo’y Bise Gobernador ng lalawigan, kung saan layon nito na direktang maibaba ang pondo sa mga barangay para sa iba’t ibang proyekto, kabilang ang educational assistance para sa mga “poor but deserving” student sa lalawigan.

Patuloy ang PGC sa pagsusulong ng mga programang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataan sa lalawigan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles