Naglunsad ng search, Rescue at retrieval operations ang mga otoridad sa pangunguna ng Benguet Provincial Police Office matapos ang nangyaring pagguho sa Sitio Talingoroy, Barangay Wangal, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-25 ng Hulyo 2025.
Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang mga otoridad mula sa Search, Rescue, and Retrieval (SRR) Teams mula sa Benguet PPO Provincial Headquarters, Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company, at La Trinidad Municipal Police Station, katuwang ang Philippine Red Cross – Benguet Chapter, Bureau of Fire Protection – La Trinidad, Barangay Wangal BLGU, at maging ang pamilya ng nawawala.
Naiulat na nawawala ang isang residente matapos gumuho ang parte ng lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa kasagsagan ng pananalasa ni Bagyong Emmong.

Sa kabila ng agarang paglunsad sa nasabing operasyon, mahigpit pa ring ipinatutupad ng mga awtoridad ang safety protocols upang maiwasan ang posibleng disgrasya habang isinasagawa ang operasyon.
Samantala, kabi-kabilang pagguho ng lupa ang naitala sa Lungsod ng Baguio at Benguet maging ang mga kalsada na papasok at palabas ng lungsod ay apektado kaya pinapayuhan ang mga turista na ipagpaliban muna ang pagbisita habang nagsasagawa ng road clearing operations.
Nagpaala din ang mga otoridad sa mga residente na maging maingat at alerto sa kanilang paligid, lumikas ng mas maaga sa evacuation center kung nakakaramdam ng panganib.





