Inilunsad ang unang DA Dos Agri-Serbisyo Caravan sa Solana Cagayan nito lamang ika-23 ng Hulyo 2025.
Tampok ang mga Beterinaryo ng DA Region 2 at ng Cagayan Provincial Veterinary Office na naghandog ng libreng serbisyo sa mga magsasaka at mga residenteng may alagang hayop na dinaluhan ng 23 lokal na magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng komunidad hinggil sa mga programa ng ahensya at mga benepisyong maaaring makuha sa sektor ng agrikultura at mga hayop.


Katuwang sa aktibidad ang mga beterinaryo mula sa DA na nagsagawa ng libreng konsultasyon, bakuna, at gamutan sa mga alagang hayop ng mga residente.
Ang nasabing caravan, katuwang ang Provincial Veterinary Office ng Cagayan, ay bahagi ng mas pinalawak na kampanya ng DA RFO 2 upang maihatid ang impormasyon at serbisyong teknikal nang direkta sa mga komunidad, lalo na sa mga kanayunan.
Courtesy: DA Region 2




