16.6 C
Baguio City
Wednesday, June 10, 2026
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng baha

Sa patuloy na pagharap ng mga residente ng Barangay San Rafael, Dock Island sa epekto ng pagbaha dulot ng bagyo at habagat, agad na rumisponde ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna ni Governor Lilia Pineda sa pamamagitan ng isang feeding program simula nito lamang Huwebes, ika-24 ng Hulyo 2025.

Matagumpay ang aktibidad katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Fe Manarang, mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Culinary Team, at General Services Office (GSO).

Bukod sa mainit na pagkain, inihatid din ng mga opisyal ang mensahe ng malasakit, pakikiisa, at pagmamahal mula sa pamahalaan.

Sa kabila ng hirap na dinaranas ng mga kababayan, tiniyak ng lalawigan na may gobyerno na handang tumugon at umagapay sa oras ng pangangailangan.

Ang nasabing feeding program ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng Capitol upang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng mga apektadong pamilya, at patunay ng kultura ng malasakit na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa bawat sulok ng lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles