Masayang tinanggap ng mga kabataang Kapampangan ang kanilang benepisyo sa ilalim ng Tulong Dunong Program ng Commission on Higher Education (CHED) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga nito lamang Huwebes, ika-18 ng Setyembre 2025.
Umabot sa 3,081 na college students mula sa siyam na higher education institutions sa Pampanga ang nakatanggap ng tig-₱7,500, na may kabuuang halaga na ₱23,107,500.00.


Ang tseke ay personal na ipinagkaloob ni CHED Central Luzon Director Lora Yusi, sa mga kinatawan ng mga paaralan sa isang programang dinaluhan nina Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, kasama ang ibang miyembro ng Pamahalaang Panlalawigan.
Layunin ng programa na magbigay ng tulong pinansyal para sa mga estudyante bilang dagdag na suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon sa buhay.




