Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Social Welfare and Development (SWAD) Nueva Vizcaya kahapon, Nobyembre 13, 2025, ng tulong pinansiyal ang pamilya ng dalawang batang lalaking namatay dahil sa pagguho ng lupa sa Kayapa, Nueva Vizcaya noong kasagsagan ng Super Typhoon Uwan.
Ayon kay Ferdinand Bainto, DSWD-SWAD Team Leader ng Nueva Vizcaya, nabigyan ng Php40,000 pisong tulong ang naulilang pamilya ng kambal mula sa gobyerno. Aniya, “So naghatid po tayo ng assistance sa Kayapa. Tig-Php20,000 pesos yung dalawang batang namatay kaya 40,000 ang natanggap ng pamilya.”
Inaasahang bibigyan din ng DSWD ang pamilya ng iba pang biktima ng bagyo kung saan tatanggap din ang mga ito ng tig Php20,000.
Siniguro naman ng DSWD na maihahatid ang mga tulong pinansiyal sa mga pamilya ng mga namatay na biktima subalit sa ngayon ay hindi pa maayos ang mga daan patungo sa mga tahanan ng mga ito.
Source: DWRV1233.Official




