Sa kabila ng pagkaputol ng natatanging tulay na nag-uugnay sa kabayanan sa Nueva Viscaya, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa relief operations sa mga apektadong residente ng isolated barangay ng Barangay Pelaway, Alfonso CastaƱeda, Nueva Viscaya kahapon, Nobyembre 13, 2025.
Umabot sa 2,000 family food packs ang inihatid ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2, sa pamamagitan ng Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force ā Tactical Operations Group 2 sa tulong ng Office of the Civil Defense.

Tulong-tulong ang mga kawani ng PNP, PAF, Phillipine Army, PDRRMO, at lokal na pamahalaan ng Alfonso CastaƱeda sa pagbaba ng mga food packs upang matiyak na makarating ang tulong sa mga residente.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng coordination meeting ang ibaāt ibang ahensya ng pamahalaan upang matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga mamamayan sa naturang barangay, kabilang ang mga hakbang para sa patuloy na pagbibigay ng tulong habang hindi pa naibabalik ang normal na daloy ng transportasyon.
Source: DSWD Region II




