23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Pangasinan at SM Foundation, magkatuwang sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Emong sa Agno

Mabilis na rumesponde ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ang SM Foundation upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Emong at habagat sa bayan ng Agno nito lamang ika-2 ng Agosto taong kasalukuyan.

Sa pangunguna ni Governor Ramon V. Guico III at sa tulong ng maayos na ugnayan ng lokal na pamahalaan sa pribadong sektor, agad na naisakatuparan ang relief operations. Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pamumuno ni Annabel Roque, ang pamamahagi ng mga relief goods katuwang ang mga kinatawan ng SM Foundation.

Namahagi sila ng bigas, mga delata, at noodles sa mga nasalanta. Kasama sa grupo si Board Member Apol Bacay, Agno Mayor John Celeste, at ilang kinatawan ng SM gaya nina SM City Rosales Mall Manager Herald Eleria, Urdaneta City SM Central Manager Abraham Malicdem, at SM Center Dagupan Mall Manager Eileen delos Santos.

Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang mabilis na pagtugon sa ganitong uri ng sakuna upang matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng mga mamamayan. Nagpaabot din ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Agno sa kanilang mga katuwang sa sektor ng negosyo, lalo na sa SM Foundation, sa patuloy na pakikiisa at pagtulong tuwing may kalamidad.

Patunay ito na sa pagkakaisa ng gobyerno at pribadong sektor, mas napapadali ang pagbibigay ng serbisyo at tulong sa mga nangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles