23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Walang Gutom Program, patuloy na isinasagawa sa probinsya ng Isabela

Patuloy na nakakatanggap ng tulong ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng DSWD Field Office 02 mula sa limang bayan at syudad sa lalawigan ng Isabela.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Sto. Tomas, Jones, Echague, Alicia at Lungsod ng Ilagan na tumanggap ng food pack na naglalaman ng masusustansyang sangkap na maaari nilang gamitin sa pang-araw-araw na paghahanda ng pagkain para sa kanilang buong pamilya.

Bahagi pa rin ito ng Food Redemption Activity ng Walang Gutom Program ng nasabing ahensya na naglalayong tulungan ang mga pamilyang Pilipino na dumaranas ng kakulangan sa pagkain.

Patunay din ito ng pamahalaan sa adbokasiyang wakasan ang kagutuman at isulong ang mas malusog na pamumuhay para sa bawat Pilipino.

Source: DSWD Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles