Umabot sa 150 rehistradong solo parents ang nakatanggap ng food packs mula sa Osave ngayong Agosto 4, 2025, sa isinagawang pamamahagi sa Balon Bayambang Events Center.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Municipal Administrator’s Office at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Ang food packs ay naglalaman ng bigas, kape, de lata, noodles, at iba pang pagkain bilang suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga solo parent at kanilang pamilya.

Ayon sa Osave, layunin nilang maibsan ang hirap na dinaranas ng mga solo parent sa pamamagitan ng simpleng tulong.
Nagpahayag ng pasasalamat si Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at binigyang-diin ang kahalagahan ng tulong lalo na sa gitna ng pagbangon ng Bayambang mula sa kamakailang pagbaha.
Lubos din ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa Osave at MSWDO sa kanilang malasakit.




