Isinagawa ang pagsasanay sa Climate-Smart Farm Business School (CSFBS) para sa mga magsasaka at kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Morong sa Barangay Poblacion, Morong, Bataan nito lamang Biyernes ika-12 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ng butihing Punongbayan Leila G. Linao-Muñoz, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang Office of the Provincial Agriculture, ang nasabing aktibidad.


Kabilang sa mga itinampok sa pagsasanay ang Palayamanan Plus Rice-based Integrated Farming System, na nagtataguyod ng sabayang pagtatanim ng palay, gulay, at pag-aalaga ng mga hayop.
Ang sistemang ito ay nakatuon sa pagbibigay ng dagdag na kita at mas masiglang pamumuhay para sa mga pamilyang magsasaka.
Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman ng mga magsasaka sa climate-smart practices at business planning, upang higit na maging handa sa epekto ng pagbabago ng klima at mapalago ang kanilang kabuhayan.




