16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

1,087 pasyente, naserbisyuhan ng Handog ng Pangulo program sa Cagayan

Umabot sa kabuuang 1,087 na mga pasyente ang naserbisyuhan ng Handog ng Pangulo program noong Setyembre 13, 2025, na ginanap sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Medical Center sa Carig Tuguegarao City, Cagayan; at BUCAS Centers sa Bayan ng Amulung at Sta.Teresita sa Lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, Chief ng CVMC nasa 732 ang naitalang pasyente sa CVMC, 149 naman sa BUCAS Center sa bayan ng Amulung at 206 naman sa Sta. Teresita, Cagayan.

Ang Handog ng Pangulo ay isang espesyal na programa na isinagawa  kaugnay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Samantala, nakilahok din sa program ang mga Outpatient Departments ng mga sumusunod na ospital ng DOH  Region II para sa walk-in patients Batanes General Hospital; Northwestern Cagayan General Hospital; Region II Trauma and Medical Center; Southern Isabela Medical Center; DOH Treatment and Rehabilitation Center – Ilagan City at BUCAS Centers sa Mallig Isabela, at Sabtang, Batanes.

Layunin ng naturang program na mas mapalapit ang serbisyong medikal sa mas maraming benepisyaryo, lalo na sa mga liblib na lugar.

Source:PIA Cagayan Valley

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles