16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

Oral Prophylaxis at Fluoride Varnish Application Day, isinagawa sa Bulacan

Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit ng Lungsod ng San Jose del Monte ang Oral Prophylaxis and Fluoride Varnish Application Day sa Municipal Dental Clinic, Barangay Bagong Buhay, San Jose Del Monte, Bulacan nito lamang Sabado, ika-13 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Mayor Romeo G. Capitulo, katuwang si Dr. Carolyn Valencia Manalo, DMD, at ang mga kawani ng dental clinic na nagbigay ng libreng serbisyo at dental care sa mga residente.

Kasabay nito ay isinagawa rin ang pamamahagi ng oral health kits para sa mga buntis, bilang bahagi ng adbokasiyang mapalakas ang kalusugan ng ngipin at bibig ng bawat pamilya.

Layunin ng programa na mapangalagaan ang oral health ng mamamayan at maitaguyod ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng tamang pangangalaga sa ngipin bilang pundasyon ng isang mas malusog na kinabukasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles