25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

P2.2 Milyong Benepisyo para sa 25 manggagawa, naipagkasundo sa tulong ng DOLE-SEnA sa Nueva Vizcaya

Naisagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor dispute na kinasangkutan ng 25 manggagawa sa pamamagitan ng Single-Entry Approach (SEnA) program, na nagresulta sa pagbabayad ng Php2,205,812 bilang kabayaran sa mga hindi naipatungkol na overtime pay, 13th-month pay, at iba pang kakulangan sa sahod agad namang nagsampa ng Request for Assistance (RFA) ang mga manggagawa na nag-udyok sa DOLE-Nueva Vizcaya Field Office (NVFO) na magsagawa ng mediation upang resolbahin ang isyu nang walang pormal na litigasyon noong ika-4 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Alexander V. Garcia II, SEnA Desk Officer ng DOLE-NVFO, ang negosasyong nagtugon sa lahat ng hinaing ng empleyado pamamagitan ng masinsing pagpupulong ng employer at mga manggagawa ito ay nagpakita ng kooperasyon ng employer, na sumang-ayong bayaran ang kabuuang halaga sa loob ng 17 buwan simula Pebrero 2025 hanggang Hunyo 2025. Ayon sa DOLE, natapos na ang buong bayad na nagpatunay sa tagumpay ng proseso.

Binigyang-diin rin ni Elizabeth U. Martinez, DOLE-NVFO Head, ang kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa at responsibilidad ng employer, layunin rin na mabigyan ng mabilis at makatarungang solusyon ang mga hidwaan sa trabaho.

Samantala nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa agarang aksiyon ng ahensiya na ang tagumpay ng kasong ito ay nagpapakita ng epektibong mekanismo ng DOLE sa pagsugpo sa labor disputes sa bansa.

Source: DOLE R2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles