16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

NIA Rehiyon I, namahagi ng bigas sa Ilocos Norte sa ilalim ng “Handog ng Pangulo” Program

Namahagi ng 500 sako ng bigas ang National Irrigation Administration (NIA) Rehiyon I, sa tulong ng mga tauhan mula sa Police Regional Office 1, bilang bahagi ng programang “Handog ng Pangulo” na isinagawa noong Setyembre 13, 2025, sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Ang bawat sako ay may lamang 10 kilong bigas na ipinamahagi sa mga piling benepisyaryo mula sa mga bulnerableng sektor ng lipunan gaya ng mga senior citizen, Persons with Disabilities (PWD), benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at mga solo parent.

Layunin ng aktibidad na maghatid ng agarang tulong sa mga mamamayang higit na nangangailangan, bilang tugon sa patuloy na laban sa kahirapan at upang matiyak ang seguridad sa pagkain sa mga komunidad.

Ang “Handog ng Pangulo” ay isang inisyatibo ng pamahalaan na nagsisilbing tulay upang maipadama ang malasakit at suporta ng estado sa mga sektor na madalas naiisantabi. Patuloy itong isinasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng serbisyong direktang nararamdaman ng taumbayan.

Source: NIA Region I

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles