16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

DSWD FO2 at TESDA, Nagsagawa ng Productivity Enhancement Session para sa mga Benepisyaryo ng Walang Gutom Program

Upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga benepisyaryo tungo sa mas maayos na kabuhayan, nagsagawa ng Productivity Enhancement Session ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program kahapon, ika-12 ng Setyembre, 2025.

Sa bayan ng San Mariano, siyam na benepisyaryo ang lumahok sa Welding Training, habang sa bayan ng Echague, apat na benepisyaryo naman ang sumailalim sa Dressmaking Training.

Layunin ng mga pagsasanay na ito na magbigay ng dagdag kaalaman at kasanayan na maaaring magsilbing puhunan ng mga benepisyaryo sa kanilang hanapbuhay.

Ang Walang Gutom Program ay hindi lamang nakatuon sa agarang tulong sa pagkain kundi nagsisilbi ring tulay upang mabigyan ng oportunidad ang mga benepisyaryo na mapaunlad ang kanilang sarili at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles