23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

MSWDO Payout para sa mga Persons with Disabilities (PWDs), isinagawa

Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng San Ildefonso ang pamamahagi ng ayuda para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) bilang bahagi ng kanilang patuloy na programang pangkapakanan at inklusibong serbisyo para sa lahat ng sektor ng lipunan.

Ang aktibidad ay patunay ng pangako ng lokal na pamahalaan na ang kapansanan ay hindi kailanman magiging hadlang upang maabot ang pangarap at magandang kinabukasan. Sa ilalim ng programang ito, tiniyak na ang bawat PWD ay makikinabang sa mga proyekto at serbisyong inilaan ng bayan, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Sa pamamagitan ng payout na ito, higit na naipadama ng pamahalaang lokal ang kanilang malasakit at pagbibigay-halaga sa sektor ng PWDs, na nagsisilbing inspirasyon at motibasyon upang patuloy na magsikap at makibahagi sa pagpapaunlad ng komunidad.

Layunin ng programang ito na patatagin ang Inklusibong Bayan ng San Ildefonso sa pamamagitan ng dobleng pagmamahal, dobleng pagmamalasakit, at dobleng pag-aksyon, bilang bahagi ng buong-pusong paglilingkod para sa lahat ng mamamayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles