23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Cash-for-Work for Higher Education Institutions Payout, isinagawa

Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon ang pamamahagi ng aabot sa Php2,104,320.62 sa 155 estudyante at bagong graduates sa ilalim ng programang Cash-for-Work for Higher Education Institutions (CFW-HEI) nito lamang Agosto 27, 2025 sa Eduardo L. Joson Memorial College, Barangay Singalat, Palayan City Nueva Ecija.

Ang aktibidad ay bahagi ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) na layong magbigay hindi lamang ng pansamantalang kabuhayan kundi pati na rin ng oportunidad para mahubog ang kakayahan at malasakit ng mga kabataan sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipadama ang kanilang kontribusyon habang natututo ng mga kasanayang makatutulong sa kanilang kinabukasan.

Layunin nitong ihanda ang kabataan bilang mga susunod na lider at maging katuwang sa pagpapaunlad ng lipunan.

Ang programang ito ng DSWD ay hindi lamang pinapahalagahan ang agarang pangangailangan ng kabataan, kundi sinisiguro rin nitong may pag-asa at direksiyon ang kanilang tinatahak.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles