17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 3, 2026
spot_img

Monitoring at Road Clearing Operation, isinagawa sa Benguet

Isinagawa ang clearing operation matapos gumuho ang bahagi ng lupa dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan na hatid ng Bagyong #CrisingPH sa Sitio Buyagan, Barangay Puguis, La Trinidad, Benguet, nito lamang Linggo, ika-20 ng Hulyo 2025.

Personal na ininspeksyon nina Mayor Roderick Awingan, Konsehal Nestor Fongwan Jr., at Municipal DRRM Officer Yoshio Labi, ang lugar upang matukoy ang lawak ng pinsala at masiguro ang mabilis at maayos na pagresponde ng mga awtoridad.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng kalsada sa lugar habang isinasagawa ang clearing operation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista.

Patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad ang iba pang lugar sa bayan na posibleng maapektuhan ng masamang panahon bilang bahagi ng kanilang tuloy-tuloy na disaster preparedness at response efforts.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles