Isinagawa ng DSWD Field Office 1 ang 4Ps Service Caravan sa Barangay Masikil, Bangui noong Hulyo 18, 2025 bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month.
Lumahok ang 160 4Ps household beneficiaries sa aktibidad na layong palakasin ang kahandaan sa panahon ng sakuna. Tampok dito ang Symposium on Climate Change and Environmental Protection at kampanyang ‘Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon (3TI)’.

Namahagi ang DSWD ng school supplies at family food packs. May libreng medical at dental mission din mula sa Provincial at Municipal Health Offices. Kabilang sa mga nakibahagi ang Department of Agriculture at PhilHealth.

Patuloy na itinataguyod ng DSWD ang ligtas, handa, at matatag na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng 4Ps Service Caravan.




