Muling umarangkada ang Libreng Mobile Gamutan para sa mga residente ng Barangay San Juan, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-11 ng Hulyo 2025.
Matagumpay itong naisakatuparan sa pangunguna ni Mayor Gazo Galvez, katuwang si Dr. Reginell Nunez, Municipal Health Officer ng nasabing bayan.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyong medikal tulad ng libreng medical check-up, chest x-ray, laboratory examinations, pamimigay ng reading glasses, dental check-up, sanitary inspection sa barangay, health promotion activity, bedridden check-up, feeding program, at pamimigay ng bitamina para sa mga bata at buntis.
Ang Lokal na Pamahalaan ng San Ildefonso ay patuloy na magsusulong ng mga programang pangkalusugan at maghahatid ng mas marami pang proyekto na kapaki-pakinabang sa mamamayan para sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng komunidad at pamahalaan.






