16.1 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Tulong para sa mga Katutubong Aeta, hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga

Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong para sa mga katutubong Aeta na naninirahan sa mga upland barangay ng Floridablanca, Pampanga nito lamang ika-11 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pamamahagi ng ayuda na layuning tugunan ang pangangailangan ng mga katutubo sa komunidad.

Umabot sa 1,193 Aeta mula sa Brgy. Nabuclod, ang nabigyan ng food packs na naglalaman ng bigas, de-latang pagkain, at kape.

Kasama ring tinulungan ang 200 Aeta na nagtatanim ng gulay sa Floridablanca National Agricultural School (FNAS), bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng agrikultura.

Batay sa ulat ng Provincial Agriculturist, may mahigit 8 ektarya ng lupa sa FNAS ang tinataniman ng mga katutubo ng iba’t ibang pananim tulad ng cassava, talong, palay, kalabasa, sitaw, siling labuyo, at saging.

Ang mga binhing ginamit ay mula sa Kapitolyo, bilang tulong sa pagpapalago ng kanilang ani.

Nagtayo rin ng dalawang stall sa palengke ng Floridablanca na magsisilbing imbakan at bentahan ng kanilang produkto.

Layunin ng proyektong ito, na bigyan ng pangmatagalang suporta ang mga katutubong Aeta sa kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng konkretong tulong tulad ng mga pasilidad at patuloy na ayuda, inaasahang mapapalakas ang kanilang kakayahan sa agrikultura at makamit ang mas maayos na kalidad ng pamumuhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles