16.1 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Kabataan, kaagapay sa malinis na kinabukasan: mangrove potting activity, isinagawa sa Alaminos City

Matagumpay ang isinagawang Mangrove Potting Activity sa Lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang City Youth and Sports Development Office (CYSDO), na may temang Mangrove Potting Activity: Youth Involvement for a Sustainable Tomorrow sa Mangrove Eco Park kahapon, Hulyo 12, 2025.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kamalayan at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan lalo na sa mga baybaying dagat. Sa pamamagitan ng paghahanda ng mga propagules o punla ng bakawan, naging bahagi ang mga kabataan kahapon sa pagpapalago at rehabilitasyon ng coastal ecosystems. Ang kanilang ambag ay may mahalagang papel sa pag-iwas sa erosion at pagtataguyod ng biodiversity.

Itong programa ay patunay ng aktibong partisipasyon ng kabataan bilang tagapangalaga ng kalikasan at pag-asa ng bayan. Kahapon, kanilang ipinakita na sa simpleng gawa ngayon, nagtatagpo ang mga ambisyon para sa isang sustainable at ligtas na kinabukasan para sa lahat.

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng bawat sektor sa mga makakalikasang programa. Sama-sama nilang isinusulong ang adbokasyang “Bayanihan para sa Kalikasan”, na nagsisimula sa mga kabataan at naglilingkod para sa nakabubuting kinabukasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles