Muling umarangkada ang Serbisyo Caravan na hatid ng Lokal na Pamahalaan sa Sitio Birao Barangay Hacienda – Intal Baggao, Cagayan sa ikatlong pagkakataon nito lamang ika-11 ng Hulyo ngayon taon.
Nakaalalay pa rin ang Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines sa seguridad ng lugar gayundin ang pagpapakita ng talento at pakikiisa sa mga program tulad ng libreng gupit, at libreng tuli. Nagbigay di ng suporta ang Bureau of Fire Protection na kaagapay pagsasagawa ng ibat-ibang aktibidad.
Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng mga libreng gamot ang Municipal Health Office kasabay ng pagsagawa ng iba’t ibang konsultasyon na may kinalaman sa kalusugan sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Olga Joy Bautista.

Gayundin ang tuloy-tuloy na programa ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer Elvie Salvador gaya ng relief distribution. Katuwang din ang iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan para sa paghahanda at pagsasagawa ng nasabing programa.
Kasabay din ang pagsasagawa ng Branding ng Treasury Office para sa bawat alagang kalabaw ng mga risedente rito upang mairehistro ang mga ito.
Nagpapasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan sa mainit ang pagtanggap sa grupo ng Serbisyo Caravan ng mga residente ng mga nasabing Barangay sa pangunguna ng mga opisyales nito.
Layunin ng programang ito ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko na naglalayong tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan, mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay, at maisulong ang makatao, makatarungan, at inklusibong pag-unlad ng lipunan.”
Source: Baggao Information Office




