15.5 C
Baguio City
Monday, June 29, 2026
spot_img

NFA Administrator Lacson, hinikayat ang LGU sa Cagayan na suportahan ang Php20 Rice Program

Hinikayat ni National Food Authority (NFA) Administrator Dr. Larry R. Lacson ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan na makipagtulungan para sa implementasyon ng P20 rice program sa lalawigan, kasabay ng kanyang pagbisita sa Kapitolyo ng Cagayan nito lamang ika-11 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Ayon kay Administrator Lacson, unti-unting ilulunsad ang programa sa buong lalawigan kasabay ng pagtatayo ng modernong milling facilities sa Allacapan at Camalaniugan, at mga processing center sa iba’t ibang bayan. Aniya, malaking tulong ito sa mga magsasaka at sa pag-alis ng pressure sa mga bodega ng NFA sa nalalapit na anihan ng wet season.

Agad namang inatasan ni Governor Edgar “Manong Egay” Aglipay ang mga alkalde ng ibat-ibang bayan na agad na tumalima sa direktiba ng NFA.

Ang Php20 na bigas ay bahagi ng inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ilalim ng Department of Agriculture, katuwang ang NFA at Food Terminal Incorporated (FTI). Sa pamamagitan ng subsidiya mula sa FTI at LGU, naibebenta ang bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa piling mga lugar.

Layunin ng programa na mabawasan ang nakaimbak na palay sa mga bodega ng NFA at mapakinabangan ng mga mamamayan, partikular ng vulnerable sectors, ang murang bigas.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles