17.2 C
Baguio City
Saturday, June 27, 2026
spot_img

Financial Assistance, ipinamahagi sa mga magsasakang Kapampangan

Ipinamahagi ang tulong-pinansyal sa mga irrigators’ associations na naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon para sa mga magsasakang Kapampangan sa bayan ng Candaba nito lamang Miyerkules, ika-9 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, ang nasabing aktibidad katuwang ang Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at sa tulong ng mga resolusyong ipinasa sa ilalim ng kanilang pamumuno. Sa bisa ng PDRRMC Resolutions No. 3 at 7-2024, naging posible ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa 11 irrigators’ associations mula sa Candaba, upang magamit sa gastusin sa pagpapatubig, partikular na sa bayad sa kuryente at diesel na kinakailangan sa kanilang operasyon.

Bukod sa ayuda sa asosasyon, namahagi rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng ₱2,000 sa bawat miyembro ng nasabing mga grupo na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) bilang dagdag na suporta para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Sa kabuuan, umabot na sa ₱31,796,455 ang pondong nailabas ng PDRRMC para sa proyektong ito, na nakapagbigay benepisyo sa 75 irrigators’ associations at 6,664 na magsasaka sa buong lalawigan.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Nanay at Delta Tandem na naglalayong tiyakin ang kapakanan ng mga Kapampangan, lalong-lalo na ang mga nasa sektor ng agrikultura na siyang tumutustos sa pagkain ng buong lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles