17.2 C
Baguio City
Saturday, June 27, 2026
spot_img

Basic Incident Command System, isinagawa sa Tuguegarao City

Kasalukuyang sumasailalim sa tatlong araw na Basic Incident Command System (BICS) ang 45 kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kasama ang mga empleyado ng iba’t ibang Local Government Unit (LGU), at response cluster na ginanap sa Go Hotels, Tuguegarao City noong ika-9 ng Hulyo 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang World Food Programme (WFP) at mga kawani ng Office of Civil Defense (OCD).

Ayon sa PDRRMO, nagsimula ang pagsasanay noong Hulyo 9, 2025 at matatapos sa Hulyo 11, 2025 .

Layunin ng naturang pagsasanay na madagdagan pa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pamamahala at pagtugon sa kanilang tungkulin bilang mga responders lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang pagsasanay ay layong mapaangat din ang usapin ng pag-command, kontrol, at koordinasyon ng emergency response na makatutulong sa panahon ng sakuna at kalamidad tulad ng bagyo.

Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles