Sa pamamagitan ng Negosyo Center- Natonin, matagumpay na nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Mountain Province ng dalawang araw ng Cacao Processing Training sa Poblacion, Natonin, Mountain Province nito lamang ika-9 hanggang ika-10 ng Setyembre 2025.
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga cacao growers mula sa iba’t ibang barangay ng Natonin, Mountain Province gaya ng Poblacion, Banawal, Saliok, at Butac.


Pinangunahan ni Ginoong Jones Malwagay, in-house trainer ng DTI Mountain Province, ang mga sesyon na nakatuon sa cacao processing, kabilang na ang mga lektura tungkol sa packaging at labeling na pawang susi sa pagbibigay ng dagdag na halaga sa kanilang produkto at pagpasok sa mas malawak na pamilihan.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga lokal na magsasaka ng cacao na mapataas ang halaga ng kanilang ani at magkaroon ng mas mataas na kita sa pamamagitan ng wastong pagproseso ng kanilang produkto.
Higit sa teknikal na kaalaman, ang aktibidad ay nagdala rin ng mahalagang benepisyo sa komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo ng DTI, inaasahang mas marami pang lokal na magsasaka ang mahihikayat na palawakin ang kanilang produksyon ng cacao at gawing produktong maipagmamalaki hindi lamang sa Mountain Province kundi maging sa mas malawak na pamilihan.




